bakit pa kasi naging kayo kung maghihiwalay din pala kayo. alam mo ba yung feeling na akala mo siya na, yung 1st time mo magseryoso, 1st time mo umiyak sa taong wala namang kwenta?
yung madami kayong pinagsamahan, ang dami mong naalala sakanya at masaya sa una pero sa huli masakit na pala. Ang sakit lang kasi sa feeling na ikaw di parin nakaka move-on tapos siya makikita mo na lang masaya na kahit wala ka, nagagawa niya pang tumawa sa harap mo. Wala kang magawa kasi di mo naman pwedeng aminin na nasasaktan ka pa din. pati sarili mo nga plinaplastic mo na wag niya lang makita na apektado ka. siguro nga katangahan lang ang umasa na magbabalikan pa kayo lalo na kung wala naman na siyang pakealam sayo.
Sana lang sa susunod na araw makatawa na rin ako sa harap niya. sana lang balang araw kaya ko na kahit wala siya. Kahit mahirap okay lang, sana marealize ko na hindi siguro talaga siya yung para sakin.
No comments:
Post a Comment